^

Probinsiya

2 ang mayor sa Baliuag, Bulacan

-
Dalawang alkalde sa bayan ng Baliuag, Bulacan ang kasalukuyang nakapuwesto dahil sa nakabinbing desisyon ng pamunuan ng Commission on Elections (COMELEC) na sampung araw na lamang ang ipaghihintay ng mga residente upang mapatunayan ang tunay na mayor.

Si Romeo Estrella na pinanumpa na ni Bulacan Regional Trial Court Judge Victoria Villalon-Pornillos Branch 10 bilang bagong alkalde ng naturang bayan ang kasalukuyang kinikilala ng mga residente.

Samantala, nagpalabas naman ng memorandum order si Bulacan Governor Josie Dela Cruz na kilalanin pa rin si Rolando Salvador na kasalukuyang alkalde hanggang hindi pa nakapagpapalabas ng desisyon ang Comelec.

Magugunitang nagpetisyon si Estrella sa korte na siya ang kilalaning nanalong alkalde ngunit humingi naman ng temporary restraining order (TRO) si Salvador sa Comelec upang hindi makaupo si Estrella.

Sa kabila ng naturang isyu ay naging normal naman ang naging kabuhayan ng mga residente dahil sa sinusuportahan naman ng mga residente sina Mayor Estrella at Mayor Salvador habang hinihintay ang ipalalabas na desisyon ng Comelec. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BALIUAG

BULACAN GOVERNOR JOSIE DELA CRUZ

BULACAN REGIONAL TRIAL COURT JUDGE VICTORIA VILLALON-PORNILLOS BRANCH

COMELEC

EFREN ALCANTARA

ESTRELLA

MAYOR ESTRELLA

MAYOR SALVADOR

ROLANDO SALVADOR

SI ROMEO ESTRELLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with