Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni MTC Judge Conrado Alinea noong Abril 23 ay inaresto ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Rogelio Aspe sina Daniel delos Reyes, 44 ng Brgy. Palanginan; Bimbo Ochangco, 26; Milan Divino, 33 kapwa residente ng Brgy. Bancal, Botolan at Melo delos Santos, 34 ng Paulien Zone 1, Iba, Zambales.
Hindi nagawang makapalag ng mga suspek sa mga sumalakay na pulis na isinagawa dakong alas-6 ng umaga at nakumpisakahan ng hindi nabatid na gramo ng shabu at drug paraphernalia. (Ulat ni Erickson Lovino)