3 bagets nalason sa butete
May 2, 2002 | 12:00am
DAGUPAN CITY Tatlong kabataang lalaki ang iniulat na nasawi makaraang malason sa kinain na nilutong itlog ng butete sa Lucero Village, Santiago Island, Bolinao, Pangasinan noong Sabado.
Ang mga biktima na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Western Pangasinan Provincial Hospital sa Alaminos City ay nakilalang sina Romy Carolino, 18; ang magkapatid na Boyet, 19 at Jose Carassiona, 15 ng nabanggit na lugar.
Batay sa ulat ng mga awtoridad, magkakasamang nanghuli ng isda ang mga biktima sa dalampasigan ng naturang lugar subalit walang nabingwit kaya sa halip na isda ay napagkaisahang manghuli na lamang ng butete.
Napag-alaman sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), matapos ang pangingisda ay napagkatuwaan naman ng mga biktima na lutuin ang nahuling butete na may kasamang itlog saka magkakasamang kumain.
Matapos na kumain ay nagpahinga na ang tatlo ngunit makaraan lamang ang ilang oras ay nagsuka at nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang mga biktima kaya kaagad na isinugod ng kanilang kasambahay sa nabanggit na ospital.
Kasalukuyan namang sinisiyasat ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang isdang nakain ng mga biktima na naging sanhi ng kanilang kamatayan. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended