^

Probinsiya

SULYAP BALITA

-
Magsasaka tinodas sa masamang biro
LOPEZ, Quezon – Isang magsasaka ang iniulat na nasawi makaraang tagain at mapatay ng kanyang kainuman dahil sa masamang biro sa Barangay San Lorenzo Ruiz sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Romeo Maravilla, 25, binata, samantala, ang suspek na mabilis na tumakas patungo sa kagubatan ng nabanggit na barangay ay nakilalang si Eduardo Verso, 35, kapitbahay ng biktima.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Rommel Marquez, naganap ang krimen dakong alas dos ng hapon matapos na mairita at masamain ng suspek ang pagbibiro ng biktima habang magkasamang nag-iinuman ng alak. (Ulat n i Tony Sandoval)
Mister pinatay sa gulpi ng taumbayan sa pamamaril
MUÑOZ SCIENCE CITY – Pinagtulungang gulpihin hanggang sa mapatay ang isang 65-anyos na lalaki ng taumbayan makaraang mamaril ng dalawang kainuman sa Barangay Bagong Sikat sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na idineklarang patay sa ospital ay nakilalang si Germino Villanueva, samantala, ang dalawang malubhang nasugatan dahil sa pamamaril ay nakilalang sina Marcelino Torres Jr. at Melvin Torres.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-3:30 ng hapon ng maganap ang pangyayari matapos na magkasagutan sa hindi nabatid na isyu sina Villanueva at Marcelino.

Tinangkang tumakas ni Villanueva ngunit nakorner ng taumbayan saka ginulpi hanggang sa mapatay. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY BAGONG SIKAT

BARANGAY SAN LORENZO RUIZ

CHRISTIAN RYAN STA

EDUARDO VERSO

GERMINO VILLANUEVA

MARCELINO TORRES JR.

MELVIN TORRES

ROMEO MARAVILLA

ROMMEL MARQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with