Hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital si William Echegoyen, 37, samantala, ang anak nitong si Kycel, 10, isang grade 4 pupil ay kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan.
Kaagad naman tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong walang plaka patungo sa bayan ng Camalig.
May teorya ang pulisya na ang naganap na pananambang sa biktima dakong alas-7 ng umaga ay may kaugnayan sa nalalapit na barangay at SK elections. (Ulat ni Ed Casulla)