Kagawad patay sa ambush
April 30, 2002 | 12:00am
DARAGA, Albay Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay kagawad, samantala, malubha namang nasugatan ang kanyang anak na babae dahil sa tama ng ligaw na bala mula sa baril ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay papalabas ng sariling bahay sa Barangay Binitayan sa bayang ito kahapon ng umaga.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital si William Echegoyen, 37, samantala, ang anak nitong si Kycel, 10, isang grade 4 pupil ay kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan.
Kaagad naman tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong walang plaka patungo sa bayan ng Camalig.
May teorya ang pulisya na ang naganap na pananambang sa biktima dakong alas-7 ng umaga ay may kaugnayan sa nalalapit na barangay at SK elections. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended