Nene nasalpok ng dyip, dedo

CUYAPO, Nueva Ecija – Isang 6-anyos na batang babae ang iniulat na nasawi makaraang masalpok ng pampasaherong dyip sa Barangay Burgos sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Guimba District Hospital ang biktimang si Karen Hidalgo y Agpalo, samantala, ang driver ng dyip (CLC-132) na si Dominador Socias y Manglicmot, 53, ng Brgy. Bertese, Guimba, Nueva Ecija ay kaagad naman sumuko sa pulisya matapos maganap ang aksidente dakong ala-1:30 ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada patungo sa kanyang mga kalaro nang mabundol ng dyip. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments