Konsehal, 9 NPA nasakote ng militar
April 29, 2002 | 12:00am
BAGUIO CITY Siyam na pinaniniwalaang rebeldeng New Peoples Army (NPA) kabilang na ang isang municipal councilor ang nadakip ng pinagsanib ng tropa ng militar at pulisya sa bayan ng Tineg, Abra noong Biyernes ng hapon.
Kasalukuyan pang bineberipika ng Cordillera Police Regional Office na kung ang siyam na naaresto ay kasapi ng NPA rebels o miyembro ng crime syndicate.
Kinilala ni Lt. Col. Juanito Dalmas ang mga nadakip na armadong kalalakihan na sina Jesus Valencia, Tineg town councilor, Jeremias Baday, Ricky Latawan, Joel Cabrera, Ruel Dican, Jomie Cabrera, Henry Saquid, Roy Tandi at Jun Cabrera.
Nakumpiska sa kanila ang malalakas na kalibre ng baril partikular na ang 5 M-16 rifles, M-14 rifle, M653, US carbine rifle, HM shotgun at hindi nabatid na bilang ng bala.
Kasalukuyang nasa custody ng 17th Infantry Battalion ng Phil. Army na nakabase sa Langangilang, Abra ang mga nadakip na NPA rebs.
Sa pahayag ni Major Gen. Rodolfo Garcia, chief of AFP North Luzon Command na ang lugar na pinanggalingan ng mga nadakip na armadong kalalakihan ay pinagkukutaan ng 300 rebelde mula sa Bicol region may tatlong buwan na ang nakalilipas upang magsagawa ng test mission sa Cordillera at Ilocos region.
Umaabot na sa 12,000 miyembro ng NPA rebels ang kasalukuyang aktibong naghahasik ng lagim kumpara noong 1996 na aabot lamang sa 6,000. (Ulat nina Artemio Dumlao at Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended