8 NPA rebels nalambat ng militar
April 28, 2002 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Walong rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang napaulat na nalambat ng tropa ng 17th Infantry Battalion ng Phil. Army sa isinagawang raid sa Sitio Vera, Brgy. Aloa, Tineg, Abra kamakalawa ng hapon.
Pansamantalang di muna ibinulgar ang mga pangalan ng nadakip na rebelde sa kanilang pinagkukutaan na sinalakay at pinaligiran ng tropa ng militar dakong alas-3:30 ng hapon.
Nakumpiska sa mga rebelde ang 5 M16 armalite rifles, M14, M653 SMG, carbine rifle, HM shotgun at 7 magazine ng M16.
Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation ang mga rebelde na hindi nakapalag nang biglang salakayin ng militar ang kanilang safehouse sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest