Nawawalang nene, natagpuang kinatay
April 27, 2002 | 12:00am
LIGAO CITY Tadtad ng taga sa ulo at katawan ng matagpuan ang iniulat na nawawalang 11 anyos na nene sa isang kanal sa Barangay Sta. Cruz ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang biktima na si Jill Bondad, grade 5,honor student at residente ng Barangay Lanigay, Polangui, Albay.
Batay sa pulisya dakong alas-6 ng gabi nang matagpuan ang biktimang na natatakpan pa ng sako ang bangkay.
Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-4 noong Miyerkules nang magpaalam sa kanyang mga magulang na pupunta sa bahay ng kanyang tiyahin upang magtinda ng sitsaron sa naturang lungsod.
Subalit ang bata ay hindi na nakabalik sa kanilang bahay at maging sa bahay ng kanyang tiyahin sa Sta. Cruz kung kaya nag-alala ang mga kamag-anak ng biktima at iniulat sa pulisya na nawawala ito .
Makaraan ang magdamag na paghahanap sa biktima ay natagpuan din ito sa isang palayan kung saan nakahandusay pa ang walang buhay na katawan nito sa kanal ng nasabing taniman. Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng di pa nakikilalang suspek upang paslangin ang biktima dahil hindi naman ginahasa ang biktima ayon sa awtopsiya. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended