^

Probinsiya

Kalansay ng 3 biktima ng KFR nahukay

-
TANAUAN, Batangas – Natagpuan kahapon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang mga kalansay na pinaniniwalaang mga katawan ng tatlong kidnap victim na dinukot ng limang armadong kalalakihan noong Set. 1, 2001 sa Batangas.

Ayon kay Police Director Nestorio Gualberto, CIDG director, ang mga natagpuang kalansay ay positibong kinilala ni Regina Casipi na umano’y pinalaya ng mga kidnapper ang mga natagpuang mga buto nina Jesus Cabalza, 66, alyas Jessie at katiwala nitong si Antonio Benito, 59, at Gelbert Heromo, 35, driver.

Natagpuan ang mga biktima sa isang liblib na lugar sa Barangay Hidalgo, Bagong Bayan, Tanauan, Batangas, dakong ala-1:30 ng hapon.

Ang mga bangkay ay ibinaon buhat sa 26 pulgadang lalim ng lupa ng mga kidnapper matapos na hindi makapagbigay ng halagang P30 milyong ransom money.

Nabatid na ang pagkakatagpo ng mga kalansay ay nagbunsod matapos ang pagbubunyag ng isa sa mga miyembro ng kidnap-for-ransom syndicate na naaresto kamakalawa ng mga operatiba ng Rizal, Antipolo City.

Matatandaan na ang mga biktima ay dinukot ng limang armadong kalalakihan noong Set. 1, 2001 sa Barangay San Vicente, Sto. Tomas at dito itinago sa isa sa mga hideout sa Tanauan hanggang sa tuluyang patayin ng mga kidnapper. (Ulat nina Doris Franche,Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

ANTIPOLO CITY

ANTONIO BENITO

ARNELL OZAETA

BAGONG BAYAN

BARANGAY HIDALGO

BARANGAY SAN VICENTE

BATANGAS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DORIS FRANCHE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with