Intrigero dinedo

TALAVERA, Nueva Ecija – Napaaga ang naging kamatayan ng isang katiwala ng mayamang pamilya matapos na pagsasaksakin ng kanyang kasamahang lango sa alak habang ang biktima ay nag-aayos ng hapunan ng amo sa Barangay Bacal 1 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Alex Bunga, 31 at tubong Barangay Tikal, Malita, Davao del Sur, samantala, ang suspek na kaagad tumakas ay kinilalang si Paquito Malauag, alyas Ilok, isang house helper at kababayan ng biktima.

Nabatid sa ulat, naganap ang krimen dakong alas-8 ng gabi nang biglang lapitan ng suspek saka undayan ng sunod-sunod na saksak sa katawan.(Ulat ni Christian Ryan Sta.Ana)

Show comments