2 Sayyaf, 2 sibilyan todas, 11 sugatan sa sagupaan
April 26, 2002 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Apat katao kabilang ang dalawang Abu Sayyaf ang kumpirmadong nasawi, samantala, dalawang sundalo at siyam na sibilyan ang nasugatan makaraang sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng mga bandido at tropa ng militar noong Miyerkules ng hapon sa Barangay Tubig Dacaula, Indanan, Sulu.
Sinabi ni Capt. Noel Detoyato, deputy spokesman ng Southern Command, naganap ang sagupaan sa pagitan ng 4th Scout Ranger Battalion, 4th Scout Ranger Company at mga tauhan ni Sahiron Raduan sa naturang barangay dakong alas-2 ng hapon.
Dahil sa sunud-sunod na pagpapatutok ng 105mm howitzer sa posisyon ng mga bandidong Abu Sayyaf ay nagtuloy ang mga ito sa isang Sitio saka ginawang human shield ang ilang residente.
Sinabayan pa ng dalawang MG-520 rocket-firing attack helicopters airstrikes.
Dito na napatay ang dalawang sibilyang sina Kinnie Sabdani at Ottoh Sali, samantala, ang mga sugatan naman ay dinala sa Sulu Provincial Hospital na nakilalang sina Sappayani Hajad,70; Najib Asirin, 12; Aljimir Sadjail, 16; Hajija Sadjail, 55; Meedir Daud, 28; Sabdani Nurais, 50; Abdurahimin Daud, 18; Hairunmihna Sadjail, 50 at Ben Mark Ebao na pawang residente ng Kahoy Sinah sa bayan ng Parang, Sulu.
Nasugatan naman ang mga sundalong sina Pfc. Ernesto Verano at Cpl. Marlon Butig, samantala, ang dalawang nasawing bandido ay inaalam pa ang mga pangalan. (Ulat nina Roel Pareño at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest