^

Probinsiya

2 patay, 27 grabe sa road mishaps

-
Dalawa katao ang kumpirmadong nasawi, samantala, dalawampu’t-pito pang iba ang malubhang nasugatan sa naganap na road mishaps sa lalawigan ng Zambales, Quezon at Laguna kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing sina Andrei Candido, 12, ng Purok 5 Brgy. Bangantalinga, Iba, Zambales at Leudelino Ronquillo, 50, ng Brgy. Dalahican, Catanauan, Quezon, samantala, ang mga malubhang nasugatan naman na naaksidente sa kahabaan ng Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna ay nasa Calamba Medical Center, Calamba Doctor’s Hospital at Rizal Memorial Hospital.

Base sa ulat ng pulisya, si Candido na tumatawid sa kalsada ng Brgy. Bangantalinga ay nasalpok ng Victory Liner Bus (CVR-375) na minamaneho ni Ruben Misola ng Barreto, Olongapo City bandang alas-8 ng umaga kahapon.

Si Ronquillo na nagbibisikleta ay sinalpok naman ng Vil Transit Bus (DBF-763) sa kahabaan ng Brgy. Matandang Sabang Silangan, Catanauan.

Kasunod nito, nagkarambola ang tatlong sasakyang Magic Jenny Shuttle Service Bus (NYS-342), Isuzu cargo truck (WMA-342) at Alps Aircon Bus (DWC-347) sa kahabaan ng Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna bandang alas-4:30 ng madaling-araw kahapon, ayon sa ulat ng pulisya. (Ulat nina Erickson Lovino,Celine Tutor at Ed Amoroso)

ALPS AIRCON BUS

ANDREI CANDIDO

BANGANTALINGA

BRGY

CALAMBA CITY

CALAMBA DOCTOR

CALAMBA MEDICAL CENTER

CATANAUAN

CELINE TUTOR

ED AMOROSO

ERICKSON LOVINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with