Tinyente binoga, patay

CAMP CRAME – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang tinyente ng pulisya ng nakaalitang sibilyan matapos na magresponde ang biktima sa naganap na gulo sa Purok 7, Country Ville Bliss Compound, Brgy. Upper Hinaplanon, Iligan City kamakalawa ng gabi.

Tatlong tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos kay P/Insp. Tamerlane Dimalna, 31, nakatalaga sa Iligan City Police Office ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na kaagad namang sumuko ay nakilalang si Ernesto Lozano.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagresponde ang biktima sa naganap na gulo sa naturang lugar, ngunit mabilis na nilapitan ng suspek ang biktima saka isinagawa ang krimen dakong alas-11:20 ng gabi.(Ulat ni Doris Franche)

Show comments