Kasunod nang pagbisita ni GMA ay nabiyayaan din ang aabot sa 500 pamilya mula sa Angat, San Rafael, Baliuag, Obando, Pandi at Bustos ng libreng medical assistance at pag-anib sa PhilHealth ng walang anumang babayarang halaga upang magamit nila sa panahon ng pangangailangan.
Isinabay ni Bulacan Gov. Josie dela Cruz sa pagbisita ng Pangulo ang paglulunsad ng programang "Bisikleta, Biliskita" na pautang sa mga residente ng Bulacan sa pamamagitan ng isang pedicab sa halagang P4, 500 na maaring bayaran sa loob ng isang taon.
Tiniyak din ng Pangulo ang pagtatayo ng 75 units ng small farm reservoir na nagkakahalaga ng P750,000 para sa mga mahihirap na magsasaka upang makapagtanim ng gulay kahit sa panahon ng tag-init.
Sinabi naman ni Silvestre Afable, acting press secretary na ang pagpupulong sa Bulacan Convention Center ng Gabinete ng Pangulo ay tungkol sa isyu ng moral and economic recovery, development program at peace and order sa nabanggit na lalawigan. (Ulat ni Efren Alcantara)