Mag-pinsan dedo sa road mishap

CAMP OLIVAS, Pampanga – Kumpirmadong namatay ang mag-pinsang lalaki, samantala, tatlo pang iba ang nasugatan matapos na salpukin ang sinasakyang pampasaherong dyip ng mga biktima ng isang truck sa kahabaan ng Quezon road sa Brgy. Sta. Monica, San Simon, Pampanga kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mag-pinsang sina Felipe, 32 at Januario Bernabe, 38 na kapwa residente ng Brgy. San Fernando Sur, Cabiao, Nueva Ecija, samantala, ang tatlong sugatan na kasalukuyang inaalam pa ang mga pangalan ay nasa Pampanga District Hospital.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang road mishap dakong alas-3 ng madaling-araw habang sakay ang mga biktima sa dyip (CVZ-882) na minamaneho ni Christopher Gonzales, 32 ng Brgy. Maligaya, Cabiao, Nueva Ecija.

Hindi naman nakilala ang driver ng truck at numero ng plaka dahil sa mabilis na pinaharurot matapos ang aksidente. (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments