Kinilala lamang sa mga alyas ang mga nasawing rebelde na sina Ka Lowie, Ka Intoy, Ka Gerry at Ka Gino na nakabase sa 1st district ng naturang lugar.
Samantala, nadakip naman ang pitong rebelde na sina Melvin Mendoza, 21 ng Silang, Cavite; Marlon Alhambra, 38 ng Nasugbu, Batangas; at Renato, 44 at Fortune Hiwatig, 23 ng Brgy. Tala, Nasugbu, Batangas; Mario Braga, 36 ng Brgy. Bawi; Celso Dimaculangan, 34 at Azrel Pulido, 30 ng Calapan, Oriental Mindoro.
Nasugatan naman sa engkuwentro sina SPO1 Melencio Landicho ng Malvar PNP station, Richard Recio, 16 at Reynaldo dela Cruz na mga sibilyan.
Narekober sa mga rebelde ang Galil HK-53, M16 armalite rifle, kalibre 45, cellphone, calculator, mga fatigue uniforms at listahan na nakolekta ng revolutionary tax.
Base sa ulat na isinumite ni P/Supt. Renato Lorenzo, Batangas PNP provincial director kay P/Director Domingo Reyes, Jr., PNP regional director, naganap ang engkuwentro dakong alas-11:30 ng gabi makaraang dumaan ang sasakyang Toyota van (WLN-749) sa checkpoint ng 402nd Police Mobile Group (PMG) sa Brgy. Sambat, Tanauan City.
Ayon pa sa ulat, hindi tumigil ang sasakyan ng mga rebelde kaya napilitang habulin ng mga awtoridad hanggang sa umabot sa Malvar at nagpalitan ng sunud-sunod na putukan na ikinasawi kaagad ng apat na rebelde. (Ulat nina Ed Amoroso/Arnell Ozaeta)