^

Probinsiya

'More bombings' babala ng Sayyaf

-
Inako kahapon ng Abu Sayyaf Special Operation Group ang serye ng pagpapasabog sa General Santos City na ikinasawi ng may labing-apat katao at ikinasugat ng 60 pang iba saka nagbanta na marami pang sibilyan ang madadamay at mamamatay kapag hindi itinigil ng pamahalaan ang patuloy na pagdurog sa mga rebeldeng Muslim sa Mindanao.

Ito ang mariing sinabi ni Abu Muslim Al-Ghazie, isang self proclaimed mula sa nabanggit na grupo ng Sayyaf sa interview sa Manila radio station DZXL na ang naganap na pagpapasabog sa naturang lugar ay sa kalye pa lamang.

Sinabi pa ni Al-Ghazie na may mga hawak silang dokumento na nagpapatunay na may plano ang pamahalaang Pinas at Amerika na paalisin ang lahat ng Muslim sa Mindanao.

Hindi naman maipaliwanag ni Al-Ghazie kung bakit gusto ng pamahalaang America at Pinas ang naturang akusasyon.

Sinabi pa ni Al-Ghazie na magpapatuloy rin ang kanilang ginagawang pambobomba sa iba’t ibang bahagi ng Gen. Santos City at iba pang lugar sa Socsargen kung hindi ibibigay ng pamahalaan ang Mindanao na sinasabi niyang kanilang pag-aari.

‘‘Marami kaming koneksyon na ginagamit sa aming operasyon at hindi ito basta-basta masusundan o makikilala ng militar," ani Al-Ghazie.

Subalit pinagdiinan naman ni Al-Ghazie na walang kinalaman sa naganap na pambobomba ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang grupong tinawag na Indigenous People’s Federal State Army (IPFSA) at si convicted Indonesian bomber Fathur Al Ghozi.

Kasunod nito, nadakip naman kahapon ng mga awtoridad ang dalawang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na suspek sa bombing na sina Muliken Ambi Pantuan, 28; at Modesto "Bobby" Tabilo, 26 sa kanilang bahay sa Purok 7, Sitio Lanton, Brgy. Apopong. (Ulat nina Joy Cantos/Doris Franche/Perseus Echeminada)

ABU MUSLIM AL-GHAZIE

ABU SAYYAF SPECIAL OPERATION GROUP

AL-GHAZIE

DORIS FRANCHE

FATHUR AL GHOZI

FEDERAL STATE ARMY

GENERAL SANTOS CITY

INDIGENOUS PEOPLE

JOY CANTOS

MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with