Mag-asawang tulak natimbog

SAN JOSE CITY – Dinakip ng mga awtoridad ang mag-asawang pinaniniwalaang matagal nang nagtutulak ng droga matapos na makumpiskahan ng limang plastic sachet na may lamang shabu sa kanilang bahay sa Santa Cecilia Village, Brgy. Abar 1 sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Sa ipinalabas na warrant of arrest ni RTC Branch 38 Judge Bayani Vargas, dinakip sina Crisostomo Gabriel, Jr., alyas Kanyoro at asawang si Milagros, alyas Susan ng nabanggit na barangay.

Sinabi ni P/Sr. Inps. Virgilio Aguilar, deputy chief of police sa lungsod na ito na bago dinakip ang mag-asawa bandang alas-4:50 ng hapon ay nagsagawa ang kanyang mga tauhan ng surveillance at ng maging positibo ay kaagad na kumuha ng warrant of arrest. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments