Drainage gumuho; 5 karpintero nalibing ng buhay
April 21, 2002 | 12:00am
BAGUIO CITY Limang karpintero na gumagawa sa ilalim ng konkretong drainage system rehabilitation project sa kahabaan ng Magsaysay Avenue ang napaulat na natabunan ng gumuhong lupa noong Biyernes ng hapon sa lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang mula sa Pangasinan na sina Rey Bugarin, 41, foreman mula sa Paldit, Sison; Mario Balcita, 48 ng Pozzorubio; Sylveliano Donato, 63 ng Aguilar; Manuel Derije, 45 ng Tanudan at Johnny Sarmiento, 48 ng Santa Maria.
Kaagad namang nailigtas ang mga biktima saka mabilis na isinugod sa Baguio General Hospital at Medical Center dahil sa mga tinamong galos at sugat sa katawan ngunit wala namang malubhang sugat.
Nanawagan naman ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan sa Goldrich Construction, isang pribadong contractor na gumagawa ng nabanggit na drainage system na gumawa ng kaukulang safety measures sa mga manggagawa.
Napag-alaman pa na simula nang gawin ang nabanggit na proyekto ay lumala ang traffic jams sa kahabaan ng Harrizon at Magsaysay roads. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended