Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Quezon PNP director P/Sr. Supt. Roberto Rosales, nakilala ang mga biktima na sina Larry Diomampo, alyas Ka Larry, 32 at ang asawa nitong si Flordeliza, 36 alyas Ka Annie.
Base sa imbestigasyon ni SPO3 Primitivo Amat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay mahimbing na natutulog ang mag-asawa na kasama ang kanilang tatlong anak sa loob ng kanilang bahay nang pasukin ng walong armadong kalalakihan.
Pagkakita ng mga suspek sa mag-asawa ay kanilang tinalian ang mga ito saka hinalughog ang buong kabahayan at ng makita ang isang carbine ay pinagbabaril ang mag-asawa at di naman sinaktan ang tatlong anak na sina Roueliza, 12; Nolan, 5 at Renalyn, 3.
Tumakas ang mga rebelde patungo sa magubat na bahagi ng naturang barangay.
Ayon sa ulat ng pulisya, pinagbabantaan ang mag-asawa ng kanilang mga da-ting kasamahan sa kilusan dahil sa ginawang pagbabalik-loob sa pamahalaan may ilang buwan na ang nakalilipas. (Ulat ni Tony Sandoval)