^

Probinsiya

Mag-asawang rebel returnees nilikida ng NPA rebels

-
DOLORES, Quezon Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-asawang rebel returnees ng walong armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga da-ting kasamahan ng mga biktima sa kilusan sa Sitio Maulabe, Barangay Mangahan sa bayang ito kamakalawa ng madaling-araw.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Quezon PNP director P/Sr. Supt. Roberto Rosales, nakilala ang mga biktima na sina Larry Diomampo, alyas Ka Larry, 32 at ang asawa nitong si Flordeliza, 36 alyas Ka Annie.

Base sa imbestigasyon ni SPO3 Primitivo Amat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay mahimbing na natutulog ang mag-asawa na kasama ang kanilang tatlong anak sa loob ng kanilang bahay nang pasukin ng walong armadong kalalakihan.

Pagkakita ng mga suspek sa mag-asawa ay kanilang tinalian ang mga ito saka hinalughog ang buong kabahayan at ng makita ang isang carbine ay pinagbabaril ang mag-asawa at di naman sinaktan ang tatlong anak na sina Roueliza, 12; Nolan, 5 at Renalyn, 3.

Tumakas ang mga rebelde patungo sa magubat na bahagi ng naturang barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya, pinagbabantaan ang mag-asawa ng kanilang mga da-ting kasamahan sa kilusan dahil sa ginawang pagbabalik-loob sa pamahalaan may ilang buwan na ang nakalilipas. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY MANGAHAN

KA ANNIE

KA LARRY

LARRY DIOMAMPO

PRIMITIVO AMAT

QUEZON

ROBERTO ROSALES

SITIO MAULABE

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with