Anak tinopak, ama pinatay sa saksak
April 20, 2002 | 12:00am
BALAGTAS, Bulacan Isang sinasabing retired director ng Banko Sentral ng Pilipinas ang iniulat na nasawi, makaraang pagsasaksakin ng kanyang sariling anak na umanoy isang mental patient, habang magkasamang natutulog sa bahay ng manugang ng una sa Brgy. Wawa kamakalawa ng madaling araw.
Ang biktima na namatay noon din sanhi ng tinamong 19 na saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Antonio Jarabelo, 72, may-asawa at residente ng No. 19 N. Viscaya st., Bago Bantay, Quezon City.
Nakatakdang ibalik na muli sa Center for Mental Health sa Mandaluyong City ang suspek na si Jonathan Jarabelo, 28, binata, ng nasabi ring lungsod at umano ay matagal ng may sakit sa pag-iisip dulot ng labis na pagkasugapa sa mga ipinagbabawal na gamot.
Lumilitaw sa ginawang pagsisiyasat ng pulisya, na dinalaw ng biktima kasama ang kanyang anak (suspek) ang isang Philip Ong, na manugang nito sa nabanggit na barangay upang kamustahin ang kalagayan ng pamilya nito at makita na rin ang anak na babae.
Dahilan sa kanilang mahabang oras na pag-uusap ay inabutan na ng dilim ang mag-ama kaya nagpasya na lamang ito na sa bahay ng manugang magpalipas ng gabi at kinabukasan na lamang uuwi sa kanilang bahay.
Subalit habang mahimbing na natutulog ay bigla na lamang nagkaroon ng kalabugan at malakas na sigaw sa silid na tinutulugan ng mag-ama.
Nang buksan ang pinto ng silid ay tumambad ang suspek na may hawak na patalim at naka-ibabaw sa naghihingalong katawan ng ama at walang puknat na inundayan nito ng saksak habang tumatawa.(Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
3 hours ago
Recommended