Trader ninakawan bago pinatay

BACOOR, Cavite – Pinagnakawan muna saka pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 46-anyos na negosyante sa loob ng kanyang bahay sa Sampaguita Village 2, Brgy. Mambog sa bayang ito kahapon ng umaga.

Ang biktima na natagpuan ng kanyang anak na si Clarizza bandang alas-6 ng umaga ay nakilalang si Salvacion Nebit ng Block 5 Lot 10 ng naturang lugar at huling nakitang buhay dakong alas-9 ng gabi na nag-iisa sa bahay.

May teorya si PO3 Ernesto Caparaz na nanlaban ang biktima sa mga mandurugas na pumasok sa kanyang bahay kaya napilitang patahimikin. (Ulat ni Mading Sarmiento)

Show comments