^

Probinsiya

2 kawani ng Kapitolyo, dinukot at pinatay

-
MAGUINDANAO – Pinaniniwalaang dinukot saka pinatay at inilibing ang dalawang provincial employees na napaulat na nawawala noong Marso na huling nakita sa loob ng compound ng kapitolyo ng Shariff Aguak.

Sina Murad Bajunaid at Haron Abdullah ay huling nakitang buhay sa naturang lugar bago dinukot ng mga hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang kabilang sa kalabang political quarter ni dating Maguindanao Governor Zacaria Candao.

Nanawagan si Candao sa mga kinauukulan na masusing imbestigahan ang pagkawala ng dalawa.

Si Bajunaid ay pamangkin ni Candao, samantalang si Abdullah naman ay kapatid ng dating Tagapagsalita ni Candao na si Odin Abdullah.

Sinabi pa ni Candao na ang pinaglibingan sa mga biktima sa border ng Shariff Aguak at Mamasapano sa 2nd district ng Maguindanao ay kasalukuyang binabantayan ng heavily armed partisan na hindi maaring pasukin ng mga interesadong non-government organization na magsasagawa ng imbestigasyon.

ABDULLAH

CANDAO

HARON ABDULLAH

MAGUINDANAO

MAGUINDANAO GOVERNOR ZACARIA CANDAO

MAMASAPANO

MARSO

ODIN ABDULLAH

SHARIFF AGUAK

SI BAJUNAID

SINA MURAD BAJUNAID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with