P15-M ari-arian sinunog ng NPA
April 17, 2002 | 12:00am
TACLOBAN CITY Dahil sa patuloy na pagtangging magbigay ng revolutionary tax, sinunog ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang halagang aabot sa P15 milyong ari-arian ng mayamang negosyante noong linggo ng hapon sa Brgy. Guinoo, Tinambacan district, Calbayog City.
Ayon kay P/Chief Supt. Nardito Yoro, PNP regional director, pinasok ng mga rebelde ang construction site ni Joseph Go bandang alas-5:45 ng hapon saka pinadapa ang tatlong guwardiya.
Kaagad na binuhusan ng dalawang galon ng gasolina ng lima sa tatlumpung rebelde ang nakaparadang backhoe, payloader at crane/link belt na nagkakahalga ng P15 milyon.
Hindi naman makapalag ang tatlong guwardiya ng construction site dahil tinutukan sila ng baril habang nagliliyab ang mga heavy equipment.
Kaagad na nagsitakas ang mga rebelde sakay ng truck makaraang matunugan na paparating na ang nagrespondeng tropa ng militar at pulisya.
Sinabi pa ni Yoro na kasalukuyang minamatyagan ng kapulisan ang mga pribadong establisimyento dahil sa banta ng NPA na maghahasik ng lagim partikular na sa mga negosyanteng hindi makapagbigay ng revolutionary tax. (Ulat nina Miriam Garcia Desacada at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended