10 pang bangkay narekober sa nasunog na barko
April 17, 2002 | 12:00am
LUCENA CITY Sampu pang sunog na kalansay ang narekober ng mga diver ng Philippine Coast Guard sa loob ng nasunog at lumubog na M/V Maria Carmela.
Ayon kay Capt. Alejandro Flora, District Commander ng PCG sa Region 4, umaabot na ngayon sa 16 sunog na kalansay ang narerekober makaraang magsimula kamakalawa ang retrieval operation.
Ang 10 sunog na kalansay ay inilagay sa dalawang cadaver bag at dinala sa Funeraria Pagbilao upang isailalim sa pagsusuri kasama ang naunang pitong sunog na kalansay na nakuha sa barko na nakalubog sa may 60 talampakang lalim ng Tayabas Bay, may 2 kilometro ang layo sa Dalahican Port.
Sinabi ni Capt. Flora na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nakukuhang mga labi ng nasunog na barko dahil iniulat sa kanya ng mga PCG frogmen na marami pang mga patung-patong na kalansay ng tao sa loob ng airconditioned cabin ng M/V Carmela.
Patuloy pa sa kanilang retrieval operation ang sampu kataong PCG frogmen kabilang dito ang Japanese national na si Jica Coast guard commander Noma.
Inamin naman ni P/Senior Insp. Rufina Baldovino na aabutin sa ilang araw bago ma-identify ang mga narekober na bangkay.
Ayon sa Quezon PNP Crime Lab. Provincial Officer, ang dental records, saliva, buhok at mga alahas na lamang ang kanilang pagbabasehan upang makilala ang mga lab. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended