^

Probinsiya

P.5M pabuya sa ulo ng mga cop killers

-
MEYCAUAYAN, Bulacan – Naglaan ng halagang P. 5 milyon pabuya ang grupo ng jewelry manufacturers sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa dalawampu’t-limang kalalakihang miyembro ng Bonnet gang na nanloob sa isang jewelry shop noong Sabado ng tanghali at pumatay ng tatlong pulis-Bulacan at traffic enforcer.

Ang naturang pabuya ay inihayag noong linggo matapos na ratratin hanggang sa mamatay sina P/Sr. Insp. Jose Valdez, 55; SPO2 Zosimo Jocson, 51; SPO1 Emmanuel Arce, 49 at traffic enforcer Fortunato Culianan, 38, ng sampung mandurugas habang nasa loob ng Police Community Precinct sa panulukan ng Brgy. Poblacion.

Ang tatlong pulis ay nakatalaga sa Meycauayan PNP na nagtangkang magresponde sa naganap na nakawan sa NL jewelry store sa gusali ng Marian bandang ala-1:45 ng tanghali.

Napag-alaman sa mga nakasaksi sa pangyayari, ang mga suspek ay nahati sa dalawang grupo na pinaniniwalaang isang nagngangalang Jojo Arnan, ang lider.

Ang unang grupo ang pumasok at tumangay ng halagang P10 milyong jewelry at pera, samantala, ang ikalawang grupo naman ang nagsagawa ng pagpatay sa tatlong pulis at traffic enforcer.

Inihayag ni P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, Bulacan PNP provincial director na round the clock ang isinasagawang manhunt operations laban sa grupo ni Jojo Arnan na pawang nakasuot ng Camouflage pants at t-shirts na may mga dalang M14 at M16 armalite rifles. (Ulat ni Efren Alcantara)

BULACAN

EDGARDO ACU

EFREN ALCANTARA

EMMANUEL ARCE

FORTUNATO CULIANAN

JOJO ARNAN

JOSE VALDEZ

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SR. INSP

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with