Vice-mayor na supporter ni GMA kinidnap
April 16, 2002 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Dinukot ng pitong armadong kalalakihan ang isang milyonaryong vice-mayor ng Misamis Oriental at driver/ bodyguard nito habang nakikipaghuntahan sa ilang kaibigan sa kanyang farmhouse noong linggo ng gabi sa Brgy. Gumaok, Claveria, Misamis Oriental.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktimang sina Vice-Mayor Bon Juan Ascuna Poe, 72, na nagmamay-ari ng 35 ektaryang sugar plantation sa naturang lalawigan at supporter ni GMA.
Bandang alas-8 ng gabi nang kidnapin ang biktima ng mga suspek na pinamumunuan ni Fernando Acosta, alyas Datu Macabali, lider ng tribong Higaonon.
Gayunpaman, naunang pinakawalan ang driber ni Poe upang ipagbigay alam ang pangyayari sa mga awtoridad ngunit makaraan ang labimpitong oras ay pinalaya rin ng mga tauhan ni Acosta ang biktima bandang ala-una ng hapon sa Brgy. Panampuan dahil sa nahintakutan sa isinasagawang pagtugis ng Claveria PNP station at tropa ng 9th Infantry Battalion ng Phil. Army.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagdukot dahil sa hindi humingi ng anumang ransom ang mga kidnaper na pinaniniwalaang may kuneksyon sa rebeldeng New Peoples Army (NPA). (Ulat nina Joy Cantos/Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Artemio Dumlao | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Joy Cantos | 3 hours ago
Recommended