Sa isinumiteng ulat kay Subic District Collector Atty. Felipe Bartolome, ang naturang kargamento ay kinumpiska sa kakulangan ng dokumento na nakatakda sanang ipuslit palabas ng Freeport.
Sinabi pa ng opisyal na lumabag ang importer sa ilalim ng Tariff and Customs Code of the Philippines at Central Bank circular 1389 as amended.
Ang kinumpiskang kargamento ay mula sa Shibahira Trading Co., Ltd. sa Kobe, Japan at napag-alaman din na sa Subic Titan Machineries na matatagpuan sa #715 Canal Road, Subic Bay Freeport Zone bilang dropping point nito.
Kinilala ni Bartolome ang consignee ng naturang mga smuggled items na Exim Cargo Systems ng #311 TRB Bldg., Andres Soriano Ave., Intramuros, Manila.
Kaugnay nito, mariin namang ipinahayag ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Felicito Payumo na ang pagkakakumpiska ng kargamento sa Subic ay isang patunay na seryoso ang pamahalaan sa kampanya nito upang mapigil ang paglaganap ng smuggling sa bansa partikular sa Freeport. (Ulat ni Jeff Tombado)