^

Probinsiya

128 motorsiklo na ipupuslit nasabat

-
SUBIC BAY FREEPORT – May 128 imported na second hand motorcycles na nagkakahalaga ng P10 milyon ang kinumpiska ng mga ahente ng Bureau of Customs (BoC) mula sa isang 40-footer container van sa Port of Subic kamakalawa.

Sa isinumiteng ulat kay Subic District Collector Atty. Felipe Bartolome, ang naturang kargamento ay kinumpiska sa kakulangan ng dokumento na nakatakda sanang ipuslit palabas ng Freeport.

Sinabi pa ng opisyal na lumabag ang importer sa ilalim ng Tariff and Customs Code of the Philippines at Central Bank circular 1389 as amended.

Ang kinumpiskang kargamento ay mula sa Shibahira Trading Co., Ltd. sa Kobe, Japan at napag-alaman din na sa Subic Titan Machineries na matatagpuan sa #715 Canal Road, Subic Bay Freeport Zone bilang ‘‘dropping point’’ nito.

Kinilala ni Bartolome ang consignee ng naturang mga smuggled items na Exim Cargo Systems ng #311 TRB Bldg., Andres Soriano Ave., Intramuros, Manila.

Kaugnay nito, mariin namang ipinahayag ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Felicito Payumo na ang pagkakakumpiska ng kargamento sa Subic ay isang patunay na seryoso ang pamahalaan sa kampanya nito upang mapigil ang paglaganap ng smuggling sa bansa partikular sa Freeport. (Ulat ni Jeff Tombado)

ANDRES SORIANO AVE

BUREAU OF CUSTOMS

CANAL ROAD

CENTRAL BANK

CHAIRMAN FELICITO PAYUMO

EXIM CARGO SYSTEMS

FELIPE BARTOLOME

JEFF TOMBADO

PORT OF SUBIC

SHIBAHIRA TRADING CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with