Pulis, trader kinasuhan ng kidnapping at murder
April 11, 2002 | 12:00am
MALOLOS, Bulacan Isang pulis ng Mexico, Pampanga at may-ari ng puneraria ang pormal na sasampahan ng kaso matapos na masangkot sa kidnapping at murder dahil sa pagtatago umano ng bangkay ni Antonio San Jose na dinukot ng dalawang pulis noong Pebrero 16, 2002 bago natagpuang patay sa Brgy. San Isidro-Laug, Mexico, Pampanga.
Sina PO3 Renato L. Sese at Pablo P. Tumang, 69, may-ari ng Tumang Funeral Services sa Brgy. Parian, Mexico, Pampanga ay "accessories" sa kasong kidnapping at murder na pinaniniwalaang kinasabwat nina PO3 Cecilio Galvez at PO3 Eugenio Raymundo ng Balagtas PNP station na positibong kinilala ng mga nakasaksi na dumukot sa biktima.
Nalalagay naman sa balag ng alanganin na masibak sa puwesto ang kanilang hepe na si P/Chief Insp. Adriano Enong dahil sa command responsability. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended