^

Probinsiya

2 miyembro ng Pentagon, tiklo sa extortion

-
CAMP FERMIN LIRA, General Santos City – Dalawang lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng grupong Pentagon kidnap-for-ransom ang nalambat ng pulisya makaraang maaktuhang nangingikil sa isang negosyante sa isinagawang entrapment sa Brgy. Bunao sa bayan ng Tupi, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Romeo Rufino, South Cotabato PNP provincial director ang mga suspek na sina Valentin Manansala, 37 at Teddy Bactong, 38, na kapwa residente ng Purok 9, Poblacion Tupi ng naturang lugar.

Ayon sa ulat, naaktuhang tinatanggap ng mga suspek ang halagang P15,000 marked money mula kay Salvador Fresco, 42, isang rice dealer ng Koronadal City.

Sina Manansala at Bactong na kapwa tauhan ni Commander Jack ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay nagbanta kay Fresco na susunugin ang kanyang bodega ng bigas kapag hindi nagbigay ng naturang halaga.

Kaagad namang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad si Fresco upang isagawa ang entrapment kaya mabilis na nadakip ang dalawa at kasalukuyang isinasailalim pa sa tactical interrogation upang makakuha ng impormasyon. (Ulata nina Boyet Jubelag at Doris Franche)

BOYET JUBELAG

COMMANDER JACK

DORIS FRANCHE

GENERAL SANTOS CITY

KORONADAL CITY

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

POBLACION TUPI

ROMEO RUFINO

SALVADOR FRESCO

SINA MANANSALA

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with