Barangay konsehal itinumba sa party
April 10, 2002 | 12:00am
LINGAYEN, Pangasinan Isang barangay konsehal sa Baguio City ang napatay, samantala dalawa pa ang malubhang nasugatan dahil sa tama ng ligaw na bala makaraang pagbabarilin ng isang wanted sa US noong Huwebes sa Barangay Lipit Norte sa bayan ng Manaoag.
Ang biktima na binistay ng bala ng kalibre. 45 pistola ay nakilalang si Florencio Tan ng Brgy. Pacdal, Baguio City, samantala, ang grabeng nasugatan ay sina Rogelio Manipon at Adelina Benito na kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Kaagad namang nakorner ang suspek na si Daniel Rillera at dalawa nitong kasama na sina Jessie Molintas at Federico Fontillas, Jr. at pormal na sasampahan ng kasong murder at illegal possession of firearm.
Base sa ulat na nakalap mula sa National Bureau of Investigation (NBI), si Rillera ay nasa wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa kasong murder at manslaughter sa US.
Bago maganap ang pangyayari, ang bikitma at mga suspek ay bisita sa birthday party ni Isidro Aquino.
Sa hindi nabatid na dahilan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa pagbabarilin ng suspek ang biktima at tinamaan naman ng ligaw na bala ang dalawa.
Samantala, ilan sa mga nakasaksi na sina Molintas at Fontillas ang siyang nagbigay ng Toyota Land Cruiser (WVE-888) upang makatakas ang suspek ngunit nakorner ng mga nagrespondeng Manaoag policemen sa Brgy. Sapang bago nakumpiska ang baril na ginamit sa krimen. (Ulat ni Cesar S. Ramirez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended