Kasalan pinasabog: 4 sugatan
April 9, 2002 | 12:00am
CAMP AGUINALDO -Niyanig ng malakas na pagsabog ang masayang kasalan sa pagitan ng mga anak nina Cotabato Governor Andan Ampatuan at Vice-Governor Datu Pimbu Sinsuat matapos hagisan ng granada ng hindi pa nakilalang mga suspek na nagresulta sa pagkasugat ng apat katao kabilang ang tatlong security personnel sa Cotabato City kahapon ng umaga.
Gayunman sa apat na nasugatang biktima ay ang tatlong sundalo lamang ang nakilala na sina Master Sgt. Ruel Bello, Sgt. Diony Gaya-gaya at Pfc. Raymond Jocson, pawang mga security personnel na naatasang magbigay ng seguridad sa kasalan.
Batay sa ulat, naganap ang insidente bandang alas-9;45 ng umaga sa may parking area sa pagitan ng gusali ng Regional Governors at Shariff Cultural Complex sa Gutierrez Street, Shariff Kabunsuan, Cotabato City.
Ayon sa ulat, kasalukuyang ikinakasal ang anak nina Cotabato Gov. Andan Ampatuan at Vice Governor Datu Pimbu Sinsuat nang maganap ang pagsabog sa parking area. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest