Ang biktima na tinadtad ng saksak ng patalim sa katawan ay nakilalang si Rodolfo Perez, samantala, ang suspek na kaagad naman nadakip ng pulisya ay nakilalang si Ceferino Ulit, 39, binata, jobless at kapatid sa ina ng biktima na kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Jude Camitan, naganap ang krimen bandang alas-9 ng gabi matapos na pumasok ang suspek sa loob ng bahay ng kanyang utol at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay inundayan ng sunod-sunod na saksak sa katawan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)