^

Probinsiya

P8-M shabu nasamsam sa 21 katao

-
CAMP FERMIN LIRA, General Santos City Tinatayang aabot sa halagang P8 milyon ng shabu ang nakumpiska mula sa dalawampu’t-isa katao makaraang magsagawa ng biglaang pagsalakay ang pinagsanib na puwersa ng mga ahente ng 12th Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), 12th Regional Anti-Narcotics Group at General Santos City PNP ang dalawang bahay sa Purok 1 sa Barangay Buayan sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga nasakoteng suspek na sina Jomer Ali, 32; Mentatu Tutin, 35; Mama Ayunan, 40; Kedpo Delawanga; Makalangan Blah, 22; Toks Pama, 41; Damalan Blah, 45; Danil Blah, 17; Sulaiman Sansaluna, 34; Shon Guomola, 19; Rusel Acuña, 27; Abigail Aquino, 22; Halima Suib, 18; Rashed Mangapil, 21; Arkia Maruhompema, 29; Ruben Guimola; Rosite Eros; Brahim Jab, 19; Rex Elda; Roderick Dequito, 31; Sonny Saavedra, 29.

Sinabi ni P/Sr. Supt. Bartolome Baluyot, Central Mindanao PNP director, isinagawa ang raid dahil sa ipinalabas na search warrant ni Judge Jose Bersales ng MTCC Branch 2 at Judge Antonio Lubao ng RTC Branch 22.

Nasamsam ang iba’t ibang uri ng baril at umabot sa dalawang kilong shabu ang nasamsam sa isinagawang raid dakong alas-5:30 ng umaga, samantala, nakatakas naman sina Kagui Punto, Andong Alang, Kusan Bravo, Toks Alang at Tato Torres na pawang kilabot na tulak. (Ulat ni Boyet Jubelag)

ABIGAIL AQUINO

ANDONG ALANG

ARKIA MARUHOMPEMA

BARANGAY BUAYAN

BARTOLOME BALUYOT

BOYET JUBELAG

BRAHIM JAB

CENTRAL MINDANAO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

GENERAL SANTOS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with