Bitay sa 4 kinatigan ng SC
April 7, 2002 | 12:00am
Kinatigan ng Supreme Court ang parusang bitay na ipinataw ng Isabela Regional Trial Court laban sa apat na killers ng dalawang tauhan ng tindahan noong Hunyo 1995 sa Cordon, Isabela.
Sina Orlando at Fernando Dinamling; Jose at Jacinto Dinamnam ay napatunayan ng Isabela RTC na pumatay kina Deogracias Acosta at Roger Malaya na kapwa tauhan sa tindahan na pag-aari ng mag-asawang Charlie at Marilyn Pajarillo.
Bukod sa pagpatay ay ninakawan pa ng mga akusado ang tindahan ng halagang P1,500.
Tinukoy sa desisyon na maaring makaligtas sa hatol na bitay ang ibang akusado kung nakapagsumite lamang ng sapat na ebidensiya na pinigilan ng mga ito ang pumatay sa dalawang biktima ngunit nabigong palutangin sa korte.
Dahil dito ay naparusahan lahat ang akusado dahil lumalabas na may naganap na sabwatan sa naganap na krimen kahit na hindi principal accused ang iba. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest