3 kidnaper ng Italian priest nalambat
April 7, 2002 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Tatlong tauhan ni Nurham Amil na pinaniniwalaang kumidnap sa Italian priest noong nakaraang taon ang napaulat na nalambat ng tropa ng militar sa maikling sagupaan sa bayan ng Dumanlinao, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon, ayon sa ulat ng militar kahapon.
Dahil sa tulong ng mga residente ay nadakip ang tatlong tauhan ni Amil na mas kilala sa pangalang Commander Ramji dakong alas-4 ng hapon sa kanilang safehouse, samantala, tatlo pa nitong kasamahan ay mabilis naman nakatakas sa naganap na sagupaan.
Pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ng tatlo na nakumpiskahan ng 2 motorsiklo, 3 armalite rifles, 3 mobile phones at extortion letters na lumalabas na mga miyembro sila ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, ang grupo ni Ramji ay siyang responsable sa pagdukot kay Italian priest Giuseppe Pierantoni noong Oktubre 17, 2001 sa bayan ng Dimataling. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am