Life sa killer ng 2 pasahero
April 6, 2002 | 12:00am
Malolos, Bulacan Hinatulan ng habambuhay na pagkakulong ang isang holdaper at nakapatay sa dalawang pasahero ng dyip noong July 5, 2000, samantala, inabsuwelto naman ang kasamahan nito dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya na nagsasangkot sa krimen.
Sa ipinalabas na desisyon ni Malolos Regional Trial Court Judge Basilio Gabo, Jr. Branch 21, si Tirso Morales na miyembro ng "Estribo Gang" ay napatunayang nangholdap at nakapatay sa dalawang pasahero ng dyip sa kahabaan ng North Expressway na sakop ng Barangay Buhat, Bocaue, Bulacan.
Base sa record ng korte, kasama ni Morales ang isang nagngangalang Michael Salvador na kasalukuyan pang tinutugis ng pulisya.
Pinawalang-sala naman si Ramon Morales dahil sa napagkalaman lamang na isa sa kasama ni Tirso sa isinagawang police line-up.
Napag-alaman pa sa ulat na hindi pinayagan ng korte na palayain si Ramon Morales dahil sa nadiskubreng may nakabinbing kaso sa ibang korte na may kaugnayan sa pag-iingat ng baril na walang kaukulang papeles. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest