Mag-utol pinagpapalo ng kahoy; 1 patay

DARAGA, Albay – Pinagpapalo ng kahoy ang mag-utol na lalaki na ikinasawi ng isa, samantala, malubhang nasugatan naman ang kapatid nito ng dalawang hindi kilalang lalaki habang naglalakad papauwi sa Barangay Bigao sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Nelson Lisa, 29, may asawa, magsasaka habang si Eduardo Lisa, 40, may asawa ng Pilar, Sorsogon ay nasa kritikal na kondisyon.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng krimen na naganap bandang alas-5 ng hapon sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments