^

Probinsiya

Namemeke ng US visa tinutugis

-
ANGELES CITY – Nagsasagawa ngayon ng malawakang pagtugis ang pinagsanib na puwersa ng pulisya, mga ahente ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) at National Bureau of Investigation (NBI) laban sa isang babae na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato na namemeke ng US visa at nakabiktima ng aabot sa dalawampung katao sa San Fernando City, Pampanga.

Pormal na nagsampa ng reklamo sa NBI ang tatlo sa mga nabiktima ng suspek na sina Nancita H. del Rosario ng Brgy. Pandan, Angeles City at may-ari ng Del Rosario travel agency sa Balibago, Angeles City; Norma Timbol; Gil "Bong" Indiongco at Roman Mallari na may-ari naman ng R.M. travel exponents sa Mendoza Bldg. ng nabanggit ding lugar.

Napag-alaman sa sinumpaang salaysay ng mga biktima, sina Norma Timbol at Indiongco ang tumatayong mga ahente nina Del Rosario at Mallari upang mag-recruit ng mga mabibiktimang aplikante patungo sa America sa halagang P320,000 bawat isa kapalit ng US visa.

Ayon sa mga biktima na matapos na makapagbayad ng malaking halaga kapalit ng trabaho sa US ay pinangakuan silang makakaalis nitong nakalipas na Dec. 9, 2001, subalit kinansela ni Del Rosario ang flight sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Ipinakita rin sa mga biktima ang kanilang mga passport na may US visa ngunit ito ay pawang mga xerox copy lamang at hindi orihinal kaya naghinala ang mga biktima na nadale sila ng illegal recruiter na naging sanhi upang ireklamo ang pangyayari sa kinauukulan. (Ulat ni Brian Onofre)

ANGELES CITY

BRIAN ONOFRE

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

DEL ROSARIO

INDIONGCO

MENDOZA BLDG

NANCITA H

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NORMA TIMBOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with