Pentagon muling nandukot
April 3, 2002 | 12:00am
Dinukot ng mga armadong kalalakihang miyembro ng Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) group ang isang mayamang negosyante sa panibagong insidente ng kidnapping sa Manay Davao Oriental kamakalawa.
Ang kinidnap na negosyanteng biktima ay nakilalang si Marlina Bugsad, 47 ng Sitio Magbuhos, Brgy. San Ignacio sa nabanggit na bayan.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa AFP Headquarters, naganap ang pagdukot dakong alas-4:30 ng hapon habang pauwi ang biktima mula sa pagbisita sa ilan nitong mga kaibigan sa kalapit barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay lulan ng kanyang service vehicle nang harangin ng mga suspek na lulan naman ng isang pick-up.
Dinikitan ng mga suspek ang sasakyan ng biktima at tinutukan ito ng baril kapagdakay kinaladkad pasakay sa kanilang behikulo.
Malakas naman ang teorya ng mga awtoridad na ang Pentagon KFR group ang responsable sa insidente habang patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso.
Sa pinakahuling kaganapan, nabatid na humingi na umano ng malaking halaga ng ransom ang mga kidnappers sa pamilya ng biktima kapalit ng kalayaan nito.
Samantalang isa na namang negosyante na nakilalang si Isagani Reyno ng Dinar St., Greenpark Subdivision, Cainta Rizal ang napaulat na kinidnap ng 10 armadong kalalakihan kahapon ng madaling araw.
Ayon kay P/Supt. Renato Quintana, hepe ng Cainta PNP station, ang biktima ay isinakay sa Toyota Tamaraw FX van (WKP-687) at sinundan ng puting L-300 van (WTX-202) na nakarehistro sa binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF). (Ulat nina Joy Cantos at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended