^

Probinsiya

P200-M ari-arian naabo, 1,200 employees apektado Shopping mall nasunog

-
GENERAL SANTOS CITY – Tinatayang aabot sa halagang P200 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy, samantala, pinangangambahan namang mawalan ng trabaho ang aabot sa 1,200 empleyado makaraang masunog ang isang malaking shopping mall sa kahabaan ng Jose Catolico Sr. Avenue sa lungsod na ito kahapon ng madaling-araw.

Sinabi ni Sr. Insp. Jerry Lamanero, city fire marshall, nagsimulang kumalat ang apoy sa loob ng KCC shopping mall at walang naiulat na nasawi o nasugatan sa tatlong oras na sunog na nagsimula dakong ala-una ng madaling-araw .

Ayon kay Lamanero, naunang nasunog ang Kimball Plaza Shopping Center noong Marso 20 at umaabot sa P1 milyon ari-arian naman ang tinupok ng apoy.

Tiniyak naman ni Cornelio Tan, vice-president ng KCC shopping mall sa mga empleyado na naapektuhan na bibigyan sila ng kaukulang benepisyo.

May teorya ang kapulisan na mga teroristang Muslim ang may pakana ng dalawang magkasunod na sunog dahil sa nagpadala ng extortion letter sa may-ari ng establisimyento na nilagdaan ng isang alyas Abu Muslim subalit tumangging magbigay. (Ulat ni Boyet Jubelag)

ABU MUSLIM

AYON

BOYET JUBELAG

CORNELIO TAN

JERRY LAMANERO

JOSE CATOLICO SR. AVENUE

KIMBALL PLAZA SHOPPING CENTER

LAMANERO

MARSO

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with