^

Probinsiya

2 Sayyaf leader, 1 pa nalambat

-
Tatlong bandidong Sayyaf kabilang ang dalawang lider na may P1 milyon reward ang nadakip ng mga operatiba ng pamahalaan sa isinagawang serye ng raid sa Zamboanga City at Basilan, ayon sa mga opisyal ng militar kahapon.

Sa ulat na nakarating kahapon sa AFP headquarters, kinilala ang mga nasakote na sina Alhamsar Limbong at Yahzi Suwaib na kapwa nabitag sa kanilang safehouse sa Talun-Talon sa Zamboanga City.

Sina Limbong na tumatayong radio operator ng grupo at Suwaib ay kapwa may patong sa ulong P1 milyon.

Samantala, si Hatip Habibon ay nasakote naman sa bayan ng Sumisip, Basilan habang pinaplano ang pagtakas ng kanilang grupo sa nasabing lugar.

Nabatid sa isinagawang tactical interrogation, sina Suwaib na pinsan ni Sayyaf Chieftain Khadaffy Janjalani at Limbong ay kapwa sangkot sa kidnapping ng mahigit 50 guro at estudyante sa Claret High School at Tuburan National High School sa bayan ng Sumisip at Tuburan may dalawang taon na ang nakalilipas.

Inamin din nina Limbong at Suwaib na tumakas sila sa Basilan dahil sa isinasagawang Balikatan RP-US joint military exercises sa naturang lalawigan. (Ulat ni Joy Cantos)

ALHAMSAR LIMBONG

BASILAN

CLARET HIGH SCHOOL

HATIP HABIBON

JOY CANTOS

LIMBONG

SAYYAF CHIEFTAIN KHADAFFY JANJALANI

SINA LIMBONG

SUMISIP

SUWAIB

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with