^

Probinsiya

2 radiomen todas sa kuryente

-
MALOLOS, Bulacan - Dalawang miyembro ng Kabalikat Radiocom Civic Volunteer Group (KRCVG) ang napaulat na nasawi makaraang aksidenteng makuryente habang nagkakabit ng antenna na gagamitin ng kanilang grupo sa harap ng estasyong PNP-Traffic Management Group sa Brgy. Guinhawa, Malolos, Bulacan kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga biktimang sina Dante Villanueva, 50, may asawa at Arnold Cruz, 23, binata at kapwa residente ng Brgy. Bulihan sa bayang ito.

Aabot sa 13,000 boltahe ng kuryente ang pinaniniwalaang pumasok sa katawan ng mga biktima kaya isinugod pa rin sa Bulacan Provincial Hospital ngunit idineklarang patay.

Ang dalawa ay nagsisilbing radio control operator ng kanilang grupo na tumutulong sa mga motoristang dumarayo na naliligaw ng daan partikular na ang pagsasaayos ng trapiko.

Nabatid sa inisyal na ulat ni P/Supt. Romeo Ver, hepe ng Bulacan PNP-TMG, naganap ang aksidente bandang alas-7 ng umaga habang hawak at inaalalayan ng mga biktima ang mahabang tubo na pagkakabitan ng linya ng kanilang radio antenna.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadikit ang dulong bahagi ng tubong bakal na hawak ng mga biktima sa talop na linya ng malakas na boltahe ng kuryente ng Meralco na naging sanhi upang mangisay ang dalawa. (Ulat ni Efren Alcantara)

AABOT

ARNOLD CRUZ

BRGY

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL HOSPITAL

DANTE VILLANUEVA

EFREN ALCANTARA

KABALIKAT RADIOCOM CIVIC VOLUNTEER GROUP

ROMEO VER

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with