^

Probinsiya

4 Pentagon kidnappers nalambat

-
Nadakip ng mga operatiba ng militar ang apat na miyembro ng notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) group matapos ang may ilang minutong mainitang putukan kamakalawa sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sa ulat na ipinarating kahapon sa Army’s 6th Infantry Division (ID) sa AFP headquarters, ang mga suspek ay nadakip dakong alas-6:30 ng umaga sa isang liblib na lugar sa Brgy. Matingin sa bayan ng Sultan Kudarat.

Kinilala ang mga nadakip na sina Musanip Radsac, Sudin Haron, Pandi Talib at Ebrahim Baliwan.

Napag-alaman na kasalukuyang sinusuyod ng mga elemento ng 3rd Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army sa pamumuno ni 2nd Lt. Batara ang nasabing lugar nang masabat ang may 20 armadong miyembro ng Pentagon.

Ang mga suspek ay nasukol matapos maiwan ng mga nagsitakas nitong kasamahan na tumahak sa hilagang direksiyon ng magubat na bahagi ng nasabing lugar.

Nasamsam sa pag-iingat ng mga suspek ang ilang mga armas na kinabibilangan ng M79 grenade launchers, M14 rifle, dalawang garand rifle at apat na bala para sa rocket propel grenade.

Ang Pentagon KFR group na pinamumunuan ni Commander Tahir Alonto ang itinuturong sangkot sa serye ng kidnapping sa Central Mindanao.(Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANG PENTAGON

CENTRAL MINDANAO

COMMANDER TAHIR ALONTO

EBRAHIM BALIWAN

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

MUSANIP RADSAC

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with