500 sako ng asukal hinayjack

DASMARIÑAS, Cavite – Tinatayang aabot sa 500 sako ng asukal na lulan ng truck ang napa-ulat na hinayjak ng anim na armadong kalalakihan sakay ng dalawang kotseng may blinker sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy. Sampalok 2 sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PO2 Jo Patambang ang driver ng Isuzu truck (WTT-326) na may lulang sako ng asukal na si Jose Telo, 33 ng Munting Tubig, Balanga, Batangas, samantala, ang mga hijackers na humarang sa truck ng biktima ay dalawang Honda civic (UEV-543),samantala, isa ay walang plaka ngunit may blinker.

Nabatid sa ulat ng pulisya na naganap ang pangyayari dakong alas-4 ng madaling-araw habang binabagtas ni Telo ang kahabaan ng highway nang biglang harangin ng mga armadong kalalakihan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments