Sa ulat na nakarating kay Atty. Sixto Burgos, hepe ng NBI Bulacan District sa bayang ito na ang kinasuhan ay sina PO3 Cecilio Galvez at PO3 Eugenio Raymundo na pawang suspek sa pagdukot at pagpatay kay Antonio San Jose ng Brgy. Burol 1, Balagtas, Bulacan noong Pebrero 16, 2002 ng madaling-araw.
Nahaharap naman sa balag ng alanganin na masibak at kasuhan din si P/Chief Insp. Adriano Enong, hepe ng Balagtas, Bulacan PNP station na posibleng partisipasyon nito at chain of responsibility sa kanyang mga tauhan.
Napag-alaman sa ulat ng NBI, si San Jose ay dinampot ng dalawang suspek na pulis kasama pa ang dalawang hindi kilalang lalaki dakong ala una ng madaling-araw ng nabanggit na petsa saka isinakay sa isang owner-type jeep na walang plaka.
Ilang araw pa lamang ang nakalilipas mula nang dukutin ang biktima ay natagpuan ang bangkay ni San Jose sa liblib na Brgy. Laoag, Mexico, Pampanga na binistay ng bala ng baril sa katawan at may palatandaang Pinahirapan.
Kaagad namang ipinaalam ng NBI sa pamilya ng biktima ang pangyayari ngunit laking gulat nila nang may ibang kumuha ng bangkay sa pinagdalhang funeraria na pinalalagay na kihuha ng dalawang suspek na pulis upang walang ebidensya. (Ulat ni Efren Alcantara)